PAF laging handa sa sakuna
Wednesday, 15 July 2009 15:10

Panahon na naman ng tag-ulan at kabi-kabila na ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, hindi na siguro mawawala ang ganitong mga senaryo sa pagpasok ng buwan ng Hunyo. Tuwing ganitong kalamidad, iisa lang ang halos pumapasok sa isipan ng mga tao, ito ay ang pagtulong ng Philippine Air Force sa atin. Andiyan sila, sa pagbibigay ng agarang tulong sa pamamagitan ng search at rescue operation.

Bukod pa dito, ilan pa sa mga tulong na kanilang naibibigay ay ang libreng sakay na isinasagawa ng Air Force sa iba’t ibang lugar sa bansa.  Narito din ang maya’t mayang paglipad ng dambuhalang C-130 para maghatid ng mga relief goods sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo.

Napakalaking tulong ang ibinibigay nila sa atin, isipin na lang natin paano kung wala sila? Sila ang agarang rumurisponde sa ganitong panahon, nandiyan ang 419th Transport Support Group upang magbigay ng libreng sakay sa ating mga kababayan na na-stranded sa mga baha at sa mga taong walang masakyan dahil sa  strike.

Malaki rin ang pakinabang ng ating mga air assets sa mga ganitong panahon, sila lang ang nakaka-pagdala ng mga pagkain, sa mga lugar na hindi marating ng mga sasakyang by land. Sila ang mabilisang umaaksiyon, kapag kailangan ng mailikas ang ating mga kababayan sa gitna ng panganib.

Kaya naman po, sa ating realidad ay hindi po maipagkakaila, na kinakailangan ng Philippine Air Force ng suporta, upang lalong mapalakas ang ating mga air assets, para sa mas mabilis na pag-responde sa ganitong mga kalamidad.