Literature Updates
- Real Journey Begins Right Now Message of Lt General Oscar H Rabena AFP CG, PAF Dinner for PMA Class 2010
- A Journey Called Life Message of Lt General Oscar H Rabena AFP CG, PAF Flag raising
- REMARKS OF THE COMMANDING GENERAL, PAF NCOS BALIKYAKAP DOS ALUMNI HOMECOMING 2010/ 38 NCOS Anniversary Celebration
- KEEP INSTEP, MOVE INSTEP, LIVE INSTEP Proposed Message of Lt General Oscar H Rabena AFP CG, PAF New Years Call
- Starting It Right In 2010 Proposed Message of Lt General Oscar H Rabena AFP CG, PAF Flag Raising
| Water search and rescue operations sa Cagayan de Oro city ng Philippine Air Force |
| Wednesday, 26 August 2009 14:40 |
|
Ang inyong mababasa ay isa na namang kabayanihan na ipinakita ng Philippine Air Force sa kanilang katatapos lamang na search and rescue operations. Ito ay isang ala-alang kikintal at kailan ma’y hindi na mabubura sa puso’t isipan ng bawat Pilipino. Hulyo 31, taong kasalukuyan, nang rumesponde ang Philippine Air Force kasama ang Water Search and Rescue para i-rescue ang nalunod na sampung taong gulang na batang babae matapos itong mahulog sa ilog na Iponan Bulua, Cagayan de Oro City. Nagtungo agad ang search and rescue team bunsod sa natanggap nilang text message mula sa Punong Barangay ng Canitoan na si Marlyn Lagumen na siyang nagreport ng nasabing insidente. Ang batang sampung taong gulang ay pinangalanang si Jorge Jane Maderal, grade 4 student ng Sitio Calaanan Elementary School. Ang bata ay aksidenteng nahulog sa umaapaw na ilog ng Iponan na nasa likuran ng kanilang paaralan. Nahirapan ang rescue team upang makuha ang katawan ng bata. Hindi tumigil ang search and rescue operations ng Philippine Air Force kahit nahihirapan na sila sa paghahanap. Inabot ng gabi ang paghahanap at dakong alas nueve singko ng gabi ng kanilang matagpuan ang katawan ng batang babae. Agad namang dinala ang labi ng bata sa pinakamalapit na funenaria sa kanilang lugar. Ang ginawang water search and rescue operations ng Philippine Air Force ay pagpapatunay ng kanilang patuloy na pagtulong sa bawat nangangailangan. Ang walang sawang pagtulong ng Philippine Air Force ay indikasyon ng kanilang katatagan at determinasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin at pagmamahal sa bayan. Nawa’y ang mga pangyayaring ito ang magbukas sa ating mga isipan na maging handa sa kahit ano mang naka-ambang mga panaganib. Ito ay mga pangyayaring magsisilbing aral at mananatiling buhay sa ating mga ala-ala. Bukas nga pala, 24 ng Agusto ay araw ng kapanganakan ng aming Commanding General na si Lt Gen Oscar H Rabena. Happy birthday, Sir!
|
